Nagtatrabaho ang aming mga pangkat na sama-sama o mga pod upang mabawasan ang panganib habang pinananatili ang kalayuan mula sa iba.
Dahil sa uri ng kanilang trabaho, kung minsan, hindi makapagpanatili ang mga tauhan ng aming mga pangkat ng kalayuan habang nagsasagawa ng mga pagkukumpuni. Tulad rin ng sa grupo ng inyong pamilya, o ng inyong sambahayan, nagkakatipon kayo subalit nananatiling malayo mula sa iba pang bahagi ng daigdig, gayundin ang ginagawang pakikipagtulungan ng aming mga tauhan. Kapag nagtatrabaho sa labas o sa alinmang kapaligirang mapapalapit sa iba, nagsusuot ang aming mga trabahador ng mga pantakip sa mukha saan man maaari. Tinitiyak namin na nakatugon ang tela ng mga pantakip sa mukha sa mga pamantayang pangkaligtasan kaugnay ng pagtatrabaho malapit sa mga kagamitang mataas ang boltahe.
Nagpapanatili rin ang mga tauhan ng kalayuan sa pamamagitan ng pagmamaneho nang magkakahiwalay kailanman posible.
Ang isa pang pag-iingat na aming ginagawa upang mabawasan ang panganib ay ang pagmamaneho ng magkakahiwalay na sasakyan kailanman maaaring magawa ang ganito. Ang kinalalabasan, maaaring mapansin ng mga customer na maraming sasakyan ng SCE sa mga lugar ng trabaho. Pansalamantala rin naming pinapayagan ang mga tauhan ng SCE at ang mga kailangang-kailangang tauhan na magmaneho ng mga sarili nilang sasakyan upang makapagsagawa ng negosyo ng kompanya. Upang makilala ang mga tauhan ng SCE habang nagtatrabaho, ipapakita ng mga empleyado ang kanilang mga badge na ID ng SCE kapag hiniling habang nagpapanatili ng isang ligtas na kalayuan.
Kung kakailanganin naming makipag-ugnayan sa inyo, tatawagan namin kayo.
Kailangang hindi lapitan ng mga customer ang mga tauhan at kailangang lumayo nang hindi na kukulang sa anim na talampakan para sa kaligtasan. Ang kaligtasan ng aming mga manggagawa, ng aming mga customer, at ng publiko ay nananatiling pinakamataas naming prayoridad.