Patakaran natin na mabilis at makatarungang tumugon sa mga pag-angkin, at padaliin ang proseso para sa inyo. Sa aming paghalaga ng inyong pag-angkin, maaaring pag-aralan naming muli ang mga ulat, kausapin ang mga saksi o mga empleyado, at magsagawa ng isang paghalagang teknikal. Makakatulong kayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kumpleto at wastong impormasyon at dokumentasyon.
Isa-isa naming sinusuri ang bawat pag-angkin, at inaalam:
- Kung nagkaroon ng mga kawalan o pagkalugi dahil sa aming pagpapabaya
- Paano nangyari ang insidente
- Gaano kalaki ang naging pinsala
- Ano ang itinuturing ng batas na katamtamang kabayaran
Layunin namin na makabuo ng isang desisyon para sa karamihan ng mga pag-angkin sa loob ng 30 araw pagkatanggap nito. Maaaring tumagal ang proseso kung magkakaroon ng mga kumplikadong isyu, kung kailangan ng karagdagang impormasyon, o kung may mga pangyayaring napapabawa. Kapag nakumpleto na ang aming imbestigasyon, kokontakin namin kayo tungkol sa aming pagpasya.
Kung tatanggapin ng Edison ang responsibilidad sa pinsala sa personal na ari-arian ng kustomer, babayaran nito ang kustomer para sa pinakamababang halaga ng mga sumusunod: pagkukumpuni, patas na halaga sa merkado o kapalit. Para sa mga bagay-bagay na hindi naman bago at hindi na makukumpuni, aalamin ang patas na halaga sa merkado gamit ang tinatantiyang halaga ng naturang bagay bago nangyari ang pinsala.