- Ilagay ang inyong aircon sa 78°F o mas mataas pa.
- Patayin ang mga hindi ginagamit na mga kasangkapan at mga kagamitan.
- Gumamit ng bentilador sa halip na aircon, kailan man praktikal.
- Bawasan ang paggamit ng ilaw, saan man posible.
- Isara ang mga kurtina at blinds upang mapanatiling nasa labas ang direktang sinag ng araw sa mga oras na napakataas ng temperatura sa maghapon.
- Iwasang gumamit ng mga sumusingaw na pampalamig (evaporative coolers) o mga panghalumigmig (humidifiers) kapag nakabukas ang aircon.
- Limitahan ang pagbubukas-sara ng mga repridyereytor – ang mga iyon ay nangunguna sa malakas na paggamit ng kuryente sa maraming mga tahanan.
- Paunang palamigin muna ang inyong tahanan sa pamamagitan ng pagbababa ng mga termostat ng inyong aircon bago ang 4 nang hapon.
- Mag-charge ng mga de-kuryenteng sasakyan bago ang 4 nang hapon o pagkatapos ng 9 nang gabi.
- Mag-charge ng mga aparatong mobile at mga laptop bago ang 4 nang hapon o pagkatapos ng 9 nang gabi.
- Panatilihing naka-charge at palaging handang magagamit ang mga aparato, mga kagamitang medikal at mga bateryang pang-back-up.
- Magkaroon ng isang planong pang-back-up upang mapanatili ang anumang kagamitang pangsuporta ng buhay.
- Paganahin ang inyong mga dishwasher, washing machine, at iba pang mga pangunahing kasangkapan bago ang 4 nang hapon o pagkatapos ng 9 nang gabi.
- Itakda ang bomba ng inyong pool na tumakbo sa maagang bahagi ng umaga o sa mas pagabing bahagi ng gabi.
- Kung kayo ay isang kustomer ng Net Energy Metering (NEM) solar o ng pagtatago ng baterya, kapag nagtitipid kayo ng kuryente, ang sobrang kuryente ay bumabalik sa grid upang matulungan ang inyong mga kapitbahay at binabawasan ang posibilidad na magpatawag ng CAISO para sa pagrerelyebo ng mga pagkawala ng kuryente.
Para sa karagdagang mga mapagkukunan kaugnay ng pagtitipid ng kuryente at mga pamamaraan upang gawing mas episyente ang kuryente sa inyong tahanan, tingnan ang aming Energy Savings Tips.